MENU
heart month 2021
Ang buwan ng Pebrero ay Heart Month. Ating tandaan na isa pa rin sa nangungunang sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay ang sakit sa puso. Atin itong alagaan sa pamamagitan ng healthy diet at healthy lifestyle.
Bilang paggunita sa Heart Month, magkakaroon ng ilang programa ang Tondo Medical Center:
a. Libreng ECG para sa unang 50 na pasyente na mula sa OPD. Ang mga free ECG coupons ay manggagaling sa mga doktor ng Internal Medicine at Family Medicine.
b. Wear Your Status sa Pebrero 15, 2021
c. “I Love U, HCW!” Isang maigsing konsyerto na gaganapin sa hospital lobby sa Pebrero 16, 2021 1:00pm na naglalayong ipamalas ang ating pasasalamat at pag-ibig sa mga manggagawang pangkalusugan na patuloy na nakikipaglaban kontra COVID-19 para sa ating kaligtasan.
d. Online Lay Forum tungkol sa mga dapat tandaan upang maiwasan ang sakit sa puso at mga maaaring gawin upang ang mga may sakit sa puso ay hindi na lumala pa. Ito ay mapapanood sa ating Facebook Page.

February is Heart Month! Ipakita ang pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng pag-alaga sa ating katawan. of Dengue and Tobacco Lay Forum Activity.